DJK IS THE OFFICIAL DISCIPLESHIP TOOL OF CHRIST-CENTERED MINISTRIES (CCM)
DJK IS THE OFFICIAL DISCIPLESHIP TOOL OF CHRIST-CENTERED MINISTRIES (CCM)
KASUNDUAN BILANG KASAPI SA CONNECT GROUP
Sisiguraduhin kong ang mga personal na usapan at sensitibong bagay na napag-usapan sa grupo ay mananatiling kumpidensyal at hindi ko ibabahagi sa iba nang walang pahintulot.
Magiging bukas at tapat ako sa aking Connect Group leader at sa aking mga kasama upang mas maging makabuluhan ang aming discipleship journey.
Igagalang ko ang bawat kasapi ng Connect Group, ang aming oras, at ang pamumuno ng aming leader.
Hangga’t maaari, iiwasan kong mangutang o manghingi ng pinansyal na tulong sa mga kasapi ng Connect Group. Iiwasan ko rin ang pag-aalok o pagre-recruit ng mga kasapi para sa anumang negosyo, networking, affiliate marketing, o iba pang pagkakakitaan, upang mapanatili ang aming Connect Group bilang isang ligtas na lugar para sa fellowship, discipleship, at spiritual growth.
Sisikapin kong dumalo nang regular at nasa tamang oras sa aming mga pagtitipon, at gagawin ko ang aking bahagi sa aming grupo.
Regular kong ipapanalangin ang aking Connect Group leader at mga kasamahan, at hihilingin sa Diyos na patuloy kaming lumago sa pananampalataya.
Sumali ako sa Connect Group upang lumago sa aking relasyon kay Jesus at matulungan ang iba na lumago rin. Hindi ko gagamitin ang grupo para sa personal na negosyo, pangungutang, o anumang layuning hindi naaayon sa layunin ng discipleship.
Magkakaroon ako ng layunin na balang araw ay makatulong sa pagbuo at pamumuno ng sarili kong Connect Group, upang maipasa ko rin sa iba ang aking natutuhan.
PAALALA:
Sa paggamit ng DJK bilang discipleship tool sa inyong grupo, nauunawaan at sinasang-ayunan ko ang mga kasunduang nakasaad sa itaas. Nauunawaan ko na ang mga ito ay bahagi ng responsableng pakikibahagi sa isang Connect Group.
DJK BOOK 1 — LESSONS
Tap the lesson to open it
Lesson 1
Lesson 5
Book Review
Ang DJK Book 1 ay binubuo ng five different lessons at may one Book Review pagkatapos ng mga lessons.
Recommended na isang lesson lang muna ang i-take sa bawat session para magkaroon ng sapat na panahon na maintindihan, mapagnilayan, at ma-apply ang bawat lesson. Huwag lang isipin na kailangang matapos ang lesson—ang goal ay hayaan itong maunawaan at maproseso ng puso at buhay mo.
Take it one lesson at a time. Learn it. Reflect on it. Live it.
DOWNLOAD DJK BOOK 1 BOOKLET
DJK BOOK 2 — LESSONS
Tap the lesson to open it
Ang DJK Book 2 ay binubuo ng five lessons na tutulong sa iyo na mas lumalim pa sa iyong spiritual journey at relationship with Jesus.
Take it one lesson at a time. Bigyan ang bawat lesson ng sapat na panahon para ito ay maintindihan, mapagnilayan, at ma-apply sa iyong buhay.
Learn deeply. Grow faithfully. Follow Jesus.