🔴 Basahin ang 1 Corinto 2:14 - "Ngunit sa taong hindi pinananahanan ng Espiritu ng Dios, hindi niya tinatanggap ang mga aral mula sa Espiritu, dahil para sa kanya itoʼy kamangmangan. At hindi niya ito nauunawaan, dahil ang mga bagay na itoʼy mauunawaan lamang sa tulong ng Espiritu." TCB
3. NATURAL MAN: Ayon sa verse na ito bakit daw ang mga taong ito ay kamangmangan sa kanila ang usaping espiritual, bakit, ano ba ang wala sa kanila? E_________ ng D_____.
🔴 Basahin ang 1 Corinto 2:15 "Sa taong pinananahanan ng Espiritu, nauunawaan niya ang mga bagay na ito, ngunit hindi naman siya maunawaan ng mga tao na hindi pinananahanan ng Espiritu ng Dios." TCB
4. SPIRIT-FILLED CHRISTIAN: Ayon sa talata ang taong ito ay nauunawaan nya ang mga espiritual na usapin dahil sya ay p___________ ng Espiritu.
Sa larawan: Sa iyong palagay, ano ang kahulugan na si Jesus (Cross) ang nakahawak ng manibela?
🔴 Basahin ang 1 Corinto 3:1 "Mga kapatid, hindi ko kayo makausap noon bilang mga taong ginagabayan ng Espiritu ng Dios, kundi bilang mga taong makamundo at sanggol pa sa pananampalataya kay Cristo."TCB
5. CARNAL CHRISTIAN: Ayon sa talata, at sa larawan, ang Kristiyano padin ang nagda-drive sa kanyang buhay kung mananatili syang M________ at S_______ sa pananampalataya.
PAG-ISIPAN:
Ang maka-mundo at sanggol pa sa pananampalataya ay kaya nyang ipagpalit ang pagsimba sa ibang bagay. (Sabi sa Psalm 122:1 "I was glad when they said unto me, Let us go into the house of the Lord.")
Upang hindi manatili sa gawain ng Mundo at pagiging sanggol sa pananampalataya ay ugaliing dumalo sa gawain ng simbahan, mag-devotion, at manalangin araw-araw.
👉👉 Ang tatlong uri ng taong nabanggit ay makikita natin na ang SPIRIT-FILLED CHRISTIAN ang dapat nating asamin, at dapat tayo ay lumago bilang "baby-Christian, o iwanan ang pagiging Carnal Christian. "
Ang mga sumusunod ay makakatulong sa atin sa pagkamit ng isang SPIRIT-FILLED CHRISTIAN:
Mag-exert ng effort na ang NO ay dapat na NO (huwag gawing YES ang mga NO ng Panginoon).
Matutong ipanalangin ang iba at ang sarili
Mag-umpisa, magpatuloy na magbasa ng Salita ng Panginoon
Laging dumalo sa mga gawain ng ating church
🩸🩸🩸
NGAYON na nakita mo ang bagong Ugnayan mo kay Jesus na permanente, malalaman mo pa ang pinagpalang buhay mo sa susunod na aralin.
Ngayon, ano ang gusto mong ipanalangin natin?
------
📖 READING ASSIGNMENT
Mas Kilalanin si Jesus
Ang pagkakaroon ng bagong buhay kay Cristo ay hindi nagtatapos sa pagtanggap sa Kanya. Patuloy nating kilalanin si Jesus sa pamamagitan ng Kanyang Salita.
Sa susunod na mga araw, basahin ang mga kabanata sa Gospel of John. Habang nagbabasa, isipin:
“Ano ang ipinapakita ng kabanatang ito tungkol kay Jesus, at paano ako dapat tumugon sa Kanya?”
📅 READING PLAN
— John 6 - Si Jesus ang Tinapay ng Buhay—Siya ang tunay na nagbibigay ng buhay.
— John 7 - Si Jesus ang pinagmumulan ng Buhay na Tubig—Siya ang nagbibigay ng Espiritu at tunay na kasiyahan.
— John 8 - Si Jesus ang Ilaw ng Sanlibutan—Siya ang umaakay sa atin mula sa kadiliman tungo sa liwanag.
— John 9 - Si Jesus ang nagbibigay ng paningin—Siya ang nagbubukas ng ating mga mata upang makilala ang katotohanan.
— John 10 - Si Jesus ang Mabuting Pastol—Kilala Niya ang Kanyang mga tupa at inaalagaan, ginagabayan, at ipinagtatanggol sila.
✍️ Pagkatapos ng bawat chapter, isulat ang iyong sagot:
Ano ang natutuhan ko tungkol kay Jesus?
Anong verse ang pinakanagustuhan o tumatak sa akin?
Ano ang nais kong gawin bilang tugon kay Jesus?