👉 MAY INIWAN SA ATING TANONG SI BRO. BONG:
“Kailan ipinagkaloob sa iyo ang Banal na Espiritu?”
ISANG BAGONG KAUGNAYAN
🔴 Basahin ang Efeso 1:13
“Kayo man ay napabilang na kay Cristo nang marinig ninyo ang katotohanan, ang Magandang Balita kung paano kayo maliligtas. Sa pagsampalataya ninyo sa kanya, ibinigay niya ang Banal na Espiritu na kanyang ipinangako bilang tanda (tatak) na pagmamay-ari na niya kayo.” — Tagalog Contemporary Bible
1. Sa talata, ano ang tatlong TAGPO na makikita natin?
K ______________________________
P ______________________________
Banal na E ______________________
🔴 Basahin ang Efeso 2:8–9
“Dahil sa biyaya ng Dios, naligtas kayo nang sumampalataya kayo kay Cristo. Kaloob ito ng Dios, at hindi galing sa inyo. Hindi ito nakasalalay sa mabubuti ninyong gawa, para walang maipagmalaki ang sinuman.” — Tagalog Contemporary Bible
2. Ayon sa verse 8, paano tayo naligtas?
Nang S ______________________________.
Ayon naman sa verse 9, bakit wala tayong maipagmamalaki?
Dahil ang ating kaligtasan ay hindi nakasalalay sa M __________________ na G __________________.
PAG-UUSAPAN
Tayo ay naligtas sa pamamagitan ng “Biyaya” ng Diyos — Saved by Grace.
Ang biyaya (grace) ay nangangahulugang hindi nararapat na pabor (undeserved favor).
Ibig sabihin, niligtas tayo ng Panginoon hindi dahil karapat-dapat tayo, kundi dahil sa Kanyang biyaya at pag-ibig. Kahit hindi tayo karapat-dapat sa Kanya, pinili pa rin Niya tayong iligtas at bigyan ng bagong buhay kay Cristo.
🔴 Basahin ang Juan 1:12
3. Ano ang ginawa ng Panginoon sa atin, bukod sa pagligtas sa atin mula sa impiyerno?
Gimawa tayong ng a________ ng D________.
🔴 Basahin ang 1 Juan 5:11–13
4. Ayon sa verse 11, kanino natin nakamtan ang buhay na walang hanggan?
Nasa Kanyang A________ o kay H________.
5. TAMA o MALI?
May buhay na walang hanggan din ba ang mga taong wala sa kanilang buhay si Hesu-Kristo.
TAMA ☐ MALI ☐
ANG BIYAYA!
❤️ Sa puntong ito, nakita natin na ang ating ugnayan sa Diyos ay pinagtibay sa pamamagitan ng kaloob Niyang Banal na Espiritu sa ating buhay. Pinalalim pa Niya ang ugnayang ito sa pamamagitan ng Kanyang biyaya (Grace)—ginawa Niya tayong karapat-dapat sa Kanyang harapan, hindi dahil sa ating sariling kabutihan, kundi sa kabila ng ating mga kasalanan.
🔴 Basahin ang 2 Corinthians 5:17 "Ang sinumang nakay Cristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao; binago na siya." TCB
May bago ka nang pagkatao at 'yun ay kay Jesus Christ - Mauunawaan mo pa ang mga bagay na ito sa ating pagpapatuloy sa ARALIN 2.
🩸🩸🩸
NGAYON na nakita mo ang bagong buhay mo kay Jesus, ano ang Gusto mong ipagpasalamat sa Diyos? Ano ang gusto mong ipanalangin natin sa Kanya?
---------
📖 READING ASSIGNMENT
Makilala si Jesus sa Kanyang Salita
Bilang bahagi ng iyong pagsisimula sa bagong buhay kay Cristo, ugaliing magbasa ng Biblia araw-araw.
Sa susunod na lesson, basahin ang nakatalagang chapter mula sa Gospel of John. Habang nagbabasa, huwag lang isipin kung “Ano ang nabasa ko?” kundi itanong din:
“Ano ang ipinapakita nito tungkol kay Jesus?”
📅 Reading Plan
— John 1
— John 2
— John 3
— John 4
— John 5
✍️ Pagkatapos ng bawat chapter, isulat ang isang bagay na:
Natutuhan ko tungkol kay Jesus:
Isang verse na tumatak sa akin:
Ano ang nais kong gawin bilang tugon?