🔴 GAMITIN ANG TAMANG ESTRATEHIYA
Binabalangkas ng Bibliya ang ilang mahahalagang estratehiya na dapat nating gamitin upang mapaglabanan ang tukso at maiwasan ang pagkakasala.
📖 ANG BIBLIYA AT PANALANGIN SA PAKIKIBAKA SA MUNDO
🔴 Basahin ang Lucas 11:1–4
“Minsan, nanalangin si Jesus sa isang lugar. Nang siya'y matapos, sinabi ng isa sa kanyang mga alagad, ‘Panginoon, turuan po ninyo kaming manalangin, tulad ng ginawa ni Juan sa kanyang mga alagad.’ Sinabi ni Jesus sa kanila, ‘Kung kayo'y mananalangin, sabihin ninyo, “Ama, sambahin nawa ang iyong pangalan. Dumating nawa ang iyong kaharian. Bigyan mo kami ng aming pagkain sa araw-araw. At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, sapagkat pinapatawad namin ang bawat nagkakasala sa amin. At huwag mo kaming hayaang matukso.”’”
💬 Pag-isipan:
1. Bakit kaya isinama ni Jesus sa model prayer ang: “Huwag mo kaming hayaang matukso”?
2. Ano ang papel ng panalangin sa pag-overcome ng tukso?
👉 Ang panalangin ay hindi lamang para humingi ng mga bagay sa Diyos. Ito rin ay paraan upang manatili tayong dependent sa Kanya, lalo na kapag nahaharap tayo sa tukso.
🔥 LABANAN ANG DIYABLO
🔴 Basahin ang Santiago 4:7
💬 Pag-isipan:
1. Paano tayo magtatagumpay sa laban sa diyablo?
2. Ano ang dapat nating gawin kapag tinutukso tayo?
3. Ano ang ipinangako ng Diyos kapag tayo ay lumaban sa diyablo?
👉 Pansinin ang order ng talata: “Pasakop kayo sa Diyos. Labanan ninyo ang diyablo.”
Ang tunay na tagumpay laban sa tukso ay nagsisimula sa pagsuko at pagpapasakop sa Diyos.
🕊️ MAMUHAY AYON SA ESPIRITU
🔴 Basahin ang Galacia 5:16
🔴 Basahin ang Roma 8:5
🕊️ SINO ANG HOLY SPIRIT?
Maraming tao ang hindi lubos na nakakaunawa kung sino ang Holy Spirit. Iniisip ng iba na Siya ay isang walang buhay na puwersa lamang.
Ngunit ang Banal na Espiritu ay Diyos—ang ikatlong Persona ng Trinity. Siya ay kapantay ng Ama at ng Anak.
Bilang Diyos, Siya ay makapangyarihan, nakakaalam ng lahat, at laging naroroon. Tinutulungan Niya tayo sa ating mga paghihirap, inaaliw Niya tayo, ginagabayan Niya tayo sa katotohanan, at nananahan Siya sa bawat mananampalataya.
Higit sa lahat, binibigyan Niya tayo ng kapangyarihang mamuhay at sumunod kay Cristo.
TANDAAN:
Ang Espiritu Santo ang ating KATUWANG sa pakikibaka sa tukso.
Hindi natin kailangang harapin ang laban sa sariling lakas. Ang Holy Spirit ay ipinagkaloob sa atin upang tulungan tayong mamuhay sa paraang kalugod-lugod sa Diyos.
Hindi tayo tinawag na mamuhay sa sarili nating lakas—tinawag tayong mamuhay ayon sa Espiritu.
🕊️ The Holy Spirit makes possible what we cannot accomplish in our own strength.
ANO ANG IBIG SABIHIN NG MAPUSPOS NG HOLY SPIRIT?
Ginamit ni Apostle Paul ang larawan ng isang taong lasing upang ipaliwanag ang pagiging puspos ng Banal na Espiritu.
Kapag lasing ang isang tao, naaapektuhan at nakokontrol ng alcohol ang kanyang pananalita at kilos. Ganoon din, kapag tayo ay puspos ng Holy Spirit, hinahayaan nating Siya ang manguna at kumontrol sa ating buhay.
Paano natin malalaman? Makikita ito sa paraan ng ating pamumuhay at pagtugon sa isang makasalanang mundo.
ANG DAPAT GAWIN!
Maglaan ng sandali ngayon upang hilingin sa Diyos na puspusin ka ng HOLY SPIRIT upang mag-tagumpay ka laban sa kasalanan sa iyong buhay.
Una, aminin ang anumang kasalanan na iyong nagawa laban sa Panginoon. I-claim ang Kanyang pangako sa 1 Juan 1:9 - "Kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, siya ay tapat at makatarungan na magpapatawad sa ating mga kasalanan at maglilinis sa atin mula sa lahat ng kasamaan."
Pangalawa, hilingin na puspusin ka ng Holy Spirit gaya ng sinabi Nya sa Efeso 5:18 - " dapat kayong mapuspos ng Espiritu." Saganoon ay may katuwang ka sa pang-araw-araw mong buhay!
ASSIGNMENT
Pag-aralan ang ONE VERSE (nasa website natin). Kung handa ka na sa susunod na meeting (walang pressure) ay mag-one verse ka sa harap ng iyong connect group leader.
God Bless you!
-------
📖 READING ASSIGNMENT
MANATILING MATATAG KAY CRISTO
Habang lumalago tayo sa ating bagong buhay kay Cristo, darating ang mga tukso, pagsubok, at mahihirap na sitwasyon. Sa John 16–18, makikita natin kung paano tayo tinuturuan ni Jesus na magtiwala, manatiling matatag, at sumunod sa Kanya.
📅 READING PLAN
John 16 — Magtiwala sa Banal na Espiritu
John 17 — Manalangin at Manatili sa Diyos
John 18 — Manatiling Tapat kay Jesus
✍️ Pagkatapos ng bawat chapter, sagutin:
Ano ang natutuhan ko tungkol kay Jesus?
Ano ang itinuturo nito tungkol sa aking buhay bilang Cristiano?
Ano ang isang bagay na nais kong gawin bilang tugon?
TANDAAN
Ang matagumpay na buhay Cristiano ay hindi nangangahulugang walang tukso o pagsubok. Ito ay buhay na patuloy na nagtitiwala, sumusunod, at nananatiling tapat kay Jesus sa tulong ng Banal na Espiritu.