🔴 MALALAMAN NATIN
👉 Basahin ang 1 Juan 5:11–13
“At ito ang patotoo ng Dios: Binigyan niya tayo ng buhay na walang hanggan, at ang buhay na itoʼy nasa kanyang Anak. Ang sinumang nasa kanya ang Anak ng Dios ay may buhay na walang hanggan. Ngunit ang sinumang wala sa kanya ang Anak ng Dios ay walang buhay na walang hanggan. Isinusulat ko ito sa inyo na mga sumasampalataya sa Anak ng Dios upang malaman ninyong mayroon kayong buhay na walang hanggan.” — TCB
1. Pag-isipan ang talata:
a. Ano ang ipinangako ng Diyos sa mga sumasampalataya kay Jesus?
b. Sino ang may buhay na walang hanggan?
c. Posible ba nating malaman na mayroon tayong buhay na walang hanggan? Paano tayo makatitiyak?
❤️ KASIGURADUHAN NG KANYANG PANGAKO
👉 Basahin ang Juan 10:11–15
“Ako ang mabuting pastol, at ang isang mabuting pastol ay handang mag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga tupa. Hindi siya katulad ng bayarang pastol ng mga tupa, sapagkat ang ganitong tagapagbantay ay tumatakas at iniiwan ang mga tupa kapag nakakita ng asong lobo na paparating... Ako ang mabuting pastol... At iniaalay ko ang aking buhay para sa kanila.”— TCB
2. Pag-isipan ang pagkakaiba:
a. Ano ang pagkakaiba ng Mabuting Pastol sa upahang pastol?
b. Ano ang ginagawa ng upahang pastol kapag may panganib o problema?
c. Ano naman ang ginagawa ng Mabuting Pastol na si Jesus para sa Kanyang mga tupa?
👉 Makikita natin na hindi tayo iniiwan ni Jesus sa oras ng problema. Bilang Mabuting Pastol, kilala Niya tayo, inaalagaan Niya tayo, at inialay Niya ang Kanyang buhay para sa atin.
👉 Basahin ang Juan 10:28–30
3. Ano ang garantiya ni Jesus na walang makakaagaw sa atin mula sa kamay ng Ama? ____________________________________________
💡 Tandaan:
Ang katiyakan ng ating kaligtasan ay hindi nakabatay sa kung gaano tayo katatag, kundi sa kung gaano katapat at makapangyarihan ang Diyos na nangako sa atin.
🔴 Ang patunay ng ating bagong buhay kay Kristo.
Ang isang paraan upang magkaroon tayo ng katiyakan sa ating relasyon kay Cristo ay ang pagkakaroon ng nakikitang katibayan ng pagbabago sa ating buhay. Hindi ibig sabihin na magiging perfect tayo, ngunit dapat nating makita ang patuloy na pagbabago sa ating pagkatao at pamumuhay.
Binanggit ng Bibliya ang ilang palatandaan na makikita sa buhay ng isang taong naging bagong nilalang kay Cristo.
👉 Basahin ang 2 Corinto 5:17
4. Pag-isipan ang talata:
Ano ang sinasabi ng talata tungkol sa isang taong mayroon nang relasyon kay Cristo?
Pagkatapos mong tanggapin si Cristo sa iyong buhay, ano ang inaasahan mong mangyari sa iyong buhay?
❤️ DALAWANG MARKA NG ATING BAGONG BUHAY: PAGSUNOD AT PAG-IBIG
Ang Unang Marka ng ating Bagong Buhay ay - PAGSUNOD.
👉 Basahin ang 1 Juan 2:3–6
3 Nakatitiyak tayong kilala natin ang Dios kung sinusunod natin ang kanyang mga utos. 4 Ang nagsasabing nakikilala niya ang Dios ngunit hindi naman sumusunod sa kanyang mga utos ay sinungaling, at wala sa kanya ang katotohanan. 5 Ngunit sa sinumang sumusunod sa salita ng Dios, lubos na natupad sa kanya ang pag-ibig ng Dios. At sa ganitong paraan natin malalaman na tayoʼy nasa kanya: 6 ang sinumang nagsasabing siya ay sa Dios, dapat siyang mamuhay nang tulad ni Jesu-Cristo.
5. Pag-isipan ang sinabi ni Juan:
Paano natin malalaman na tunay nating kilala ang Diyos?
Ano ang ebidensya na dapat makita sa buhay natin bilang bunga at patunay ng ating pananampalataya?
👉 Tandaan: Ang tunay na pananampalataya ay hindi lamang sinasabi sa salita; nakikita rin ito sa paraan ng ating pamumuhay. Ang pagsunod sa Diyos at pag-ibig sa Kanya ay mga palatandaan ng bagong buhay kay Cristo.
Ang pangalawang Marka ng ating bagong buhay ay - PAG-IBIG.
Sabi sa 1 Juan 2:9-11 “ 9 Ang sinumang nagsasabing siyaʼy nasa liwanag ngunit napopoot naman sa kanyang kapatid ay nasa kadiliman pa rin. 10 Ang sinumang nagmamahal sa kanyang kapatid ay namumuhay sa liwanag, at walang anuman sa buhay niya ang magiging dahilan ng pagkakasala ng kanyang kapwa. 11 Ngunit ang sinumang napopoot sa kanyang kapatid ay nasa kadiliman. Lumalakad siya sa kadiliman at hindi niya alam ang kanyang patutunguhan dahil binulag siya ng kadilimang ito.”
6. Ano ang palatandaan na ikaw na ay bagong nilalang kay Cristo? P__________.
👉👉 Basahin ang Tito 2:11–12
Tandaan:
Ang Grace ay hindi lamang nagligtas sa atin mula sa kasalanan; tinuturuan din tayo nitong talikuran ang kasalanan at mamuhay para sa Diyos. Kaya ang bagong buhay kay Cristo ay makikita sa patuloy na pagsunod, pag-ibig, at pagbabago—ang biyaya ng Diyos ay patuloy na gumagawa sa ating buhay.
Sinasabi ng Bibliya na ang tunay na mananampalataya ay patuloy na nagbabago. Mas ninanais nating sundin ang Diyos at mas natututo tayong magmahal ng iba.
Hindi tayo perpekto, ngunit dahil kay Cristo, patuloy tayong lumalago sa pananampalataya at nababago upang maging higit na katulad Niya.
🩸🩸🩸
Maglaan ng ilang sandali upang manalangin at magpasalamat sa Diyos sa mga pagbabagong ginagawa Niya sa iyong buhay.
Kung hindi mo pa ito nararanasan, hilingin sa Diyos na tulungan kang magtiwala sa Kanya at hayaan Siyang baguhin ang iyong buhay.
-------------
📖 READING ASSIGNMENT: MANATILI KAY JESUS
Ang bagong buhay kay Cristo ay isang patuloy na relasyon. Habang binabasa mo ang mga susunod na kabanata, mas kilalanin si Jesus at pag-isipan kung paano ka tinatawag na mamuhay bilang Kanyang tagasunod.
📅 READING PLAN
John 11 — Si Jesus ang Buhay at Pagkabuhay na Muli
John 12 — Sumunod at Magbigay ng Iyong Buhay kay Jesus
John 13 — Magmahal Tulad ni Jesus
John 14 — Magtiwala kay Jesus
John 15 — Manatili kay Jesus
✍️ Pagkatapos ng bawat chapter, sagutin:
💡 TANDAAN
Hindi sapat na makilala lamang natin si Jesus. Tinatawag Niya tayo na magtiwala, sumunod, magmahal, at manatili sa Kanya.