Tama o Mali
Basahin ang bawat pahayag. Isulat ang Tama kung ang pahayag ay tama, at Mali kung ang pahayag ay mali.
1. Ang bautismo ay kailangan upang ang isang tao ay maligtas.
📖 Ephesians 2:8–9
8 Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y kaloob ng Diyos at hindi mula sa inyong sarili; 9 hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang maipagmamalaki ang sinuman.
✅ Sagot: _______
Ang kaligtasan ay sa pamamagitan lamang ng biyaya ng Diyos sa pananampalataya kay Jesu-Cristo. Ang bautismo ay hakbang ng pagsunod, hindi paraan ng kaligtasan.
2. Dalawa lamang ang ordinansang malinaw na iniutos ni Jesus sa Kanyang iglesia: Bautismo at Hapunan ng Panginoon.
📖 Matthew 28:19; Luke 22:19-20
19 Kaya't humayo kayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng mga bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. -
~ Matthew 28:19
19 Dumampot din siya ng tinapay, at matapos magpasalamat sa Diyos ay kanyang pinaghati-hati iyon at ibinigay sa kanila. Sabi niya, “Ito ang aking katawan [na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.” 20 Gayundin naman, dinampot niya ang kopa pagkatapos maghapunan at sinabi, “Ang kopang ito ang bagong tipan ng Diyos na pinagtibay ng aking dugo. Ang aking dugo ay mabubuhos alang-alang sa inyo - LUKE 22;19-20
✅ Sagot: ________
Ang Bautismo at Hapunan ng Panginoon ang dalawang ordinansang iniutos mismo ni Jesus sa Kanyang mga tagasunod.
3. Ang Hapunan ng Panginoon ay nagpapaalala lamang ng kamatayan ni Cristo at wala nang ibang layunin.
📖 1 Corinthians 11:26–28
26 Sapagkat tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa kopang ito, ipinapahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa kanyang muling pagparito.
✅ Sagot: ________
Ang Hapunan ng Panginoon ay nagpapaalala ng sakripisyo ni Cristo, nagtuturo ng pagsusuri sa ating puso, at nagpapaalala na si Cristo ay babalik muli.
-------------
Ipaliwanag sa sarili mong pananaw ang iyong sagot sa mga sumusunod na tanong.
4. Bakit sa tingin mo mahalagang sundin ng bawat Kristiyano ang Bautismo at Hapunan ng Panginoon?
📖 John 14:15
"If you love Me, you will keep My commandments."
5. Ano ang isang aral mula sa sesyong ito na nais mong isabuhay sa iyong relasyon kay Cristo?
📖 James 1:22
"Be doers of the word, and not hearers only."
---------
📖 STORY SERIES ASSIGNMENT
DJK: The Story Series #5
Ang iyong assignment ay pag-aralan ang DJK: The Story Series #5.
👉 Tap here to download
👉 Tap here to read online