ANG MAHALAGANG UGNAYAN - PANALANGIN
Ano ang PANALANGIN - Ang simpleng kahulugan nito ay "pakikipag-usap sa Diyos." Ito ang direkta at personal na paraan ng pakikipag-ugnayan sa Kanya.
Sa Bibliya, matutunghayan natin na ang panalangin ay isinasagawa sa PUBLIKO at PRIBADO, at may mga pagkakataon din na ito ay maririnig (AUDIBLE) o tahimik (SILENT). Anumang paraan ng panalangin na ikaw ay sanay na, ito'y may malaking kabuluhan sa pagpapatibay ng iyong buhay bilang isang disiplinadong Kristiyano.
π Ating tignan ang James 1:6,Β
"Subalit ang humihingi ay dapat magtiwala sa Diyos at huwag mag-alinlangan, sapagkat ang nag-aalinlangan ay parang alon sa dagat na itinataboy ng hangin kahit saan.βΒ
Si James ay nagturo sa atin tungkol sa kahalagahan ng matibay na panalangin na walang "alinlangan." Ipinahayag niya na ang sanhi ng pag-aalinlangan ay kakulangan ng tiwala sa Diyos. Inilarawan din niya ang kinabukasan ng mga taong hindi nagtitiwala sa Diyos, na sila'y "itataboy ng hangin kahit saan," na nagpapahiwatig ng kawalan ng direksyon at pagkakabigo.
βοΈ 1. Sa baba ay makikita mo ang malimit na tatlong pangunahing dahilan kung bakit marami pa rin ang hindi nagtitiwala sa Diyos, na nagiging sanhi ng pag-aalinlangan sa kanilang panalangin. Mangyaring pumili ng isa at magbigay ng paliwanag batay sa iyong sariling opinyon:
Kakulangan sa kaalaman tungkol sa kahalagahan at proseso ng panalangin.
Kakulangan sa pag-unawa sa kakayahan ng Diyos na tumugon sa kanilang mga panalangin.
Kakulangan sa mga personal na karanasan na nagpapatunay ng kapangyarihan at bisa ng panalangin sa kanilang buhay.
Ang pagtukoy sa mga bagay na ating papagusapan ngayon ay magbibigay-daan sa atin upang mas maunawaan kung paano natin maaring matulungan ang mga mananampalataya na mapalapit sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin.
π Bakit sa ating panalangin ay hinihingi natin, "SA NGALAN NI HESUS."
Ang pananalangin sa pangalan ni Hesus ay itinuro sa atin sa Juan 14:13-14, "At ang anomang inyong hingin sa Aking pangalan, ay yaon ang Aking gagawin, upang ang Ama ay lumuwalhati sa Anak. Kung kayo'y magsisihingi ng anoman sa pangalan Ko, ay yaon ang Aking gagawin."Β
β¨οΈ Ang ibig sabihin ng pananalangin sa pangalan ni Hesus ay ang paghiling sa Diyos Ama na nawa ay tugunin Niya ang ating mga hinihingi dahil tayo ay dumudulog sa pangalan ng Kanyang Anak na si Hesus at hindi sa ating sarili.Β
β¨οΈ Ang salitang "sa pangalan ni Hesus" sa katapusan ng ating panalangin ay hindi isang magic pormula. Kung ang ating hinihingi ay hindi magbibigay ng kaluwalhatian sa Diyos, hindi scriptural at hindi ayon sa Kaniyang kalooban, kahit ulit-ulitin pa natin ang salitang "sa pangalan ni Hesus," ito ay walang kabuluhan.Β
ANO ANG KALOOBAN NG PANGINON?
βοΈ 2. May mga kalooban ng Panginoon na nakasulat sa Bibliya (halimbawa, huwag magnakaw, huwag mangalunya, atbp.), ngunit mayroon ding mga kalooban ng Panginoon na nangangailangan ng mahabang pasensya upang malaman (halimbawa, sa relasyon, karera, atbp.), kaya't mahalaga na lagi tayong manalangin.
TANONG: Sa palagay mo, ano ang magandang maidudulot ng paghihintay sa KASAGUTAN ng ating mga kahilingan?
NARITO ANG MGA KARANIWANG PARAAN NA INIUUGNAY NG BIBLIYA SA PANALANGIN:Β
Paghingi ng Pabor sa Diyos (Exodus 32:11)
Pagbuhos ng matinding Damdamin (1 Samuel 1:12-17)
Pag-iyak sa harap Diyos ( Psalm 142)
Pag-luhod sa harap Diyos. (Ephesians 3:14)
βοΈ 3. Sa apat na nabanggit na paraan ng ating ugnayan sa Diyos, alin sa mga ito ang hindi mo gaanong nagagawa, at bakit?
Paano nga ba tinuruan ni Hesus ang mga Disipulo kung paano manalangin?
Kung hindi mo pa gaanong nararanasan ang kahalagahan ng panalangin o hindi mo pa masyadong nadarama ang kaginhawahan sa pagdarasal, hindi ka nag-iisa, pati na ang mga disipulo ni Hesus ay nangailangan din ng patnubay mula sa Kanya hinggil sa paraan ng panalangin. Sa Mateo 6, makikita natin kung paano sila tinuruan ni Hesus matapos nilang magtanong kung paano magdasal.
π Basahin ang Mateo 6:5β8.Β
βKapag nananalangin kayo, huwag kayong tutulad sa ginagawa ng mga pakitang-tao. Mahilig silang manalangin nang nakatayo sa mga sambahan at sa mga kanto ng lansangan para makita ng mga tao. Ang totoo, tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Sa halip, kung mananalangin kayo, pumasok kayo sa inyong kwarto at isara ang pinto. At saka kayo manalangin sa inyong Ama na hindi nakikita. At ang inyong Ama na nakakakita sa ginagawa ninyo nang lihim ang magbibigay ng gantimpala sa inyo. βSa pananalangin ninyo'y huwag kayong gagamit ng maraming salitang walang kabuluhan, gaya ng ginagawa ng mga Hentil. Ang akala nila'y papakinggan sila ng Diyos dahil sa haba ng kanilang sinasabi. Huwag ninyo silang tutularan. Alam na ng inyong Ama na nasa langit ang inyong kailangan bago pa ninyo ito hingin sa kanya.β
βοΈ 4. Ano ang HINDI dapat gawin sa panalangin? Bakit kaya sinabi ni Jesus na pumasok tayo sa kwarto at isara kapag tayo ay nananalangin?Β
π Basahin ang Mateo 6:9β10,Β
" βAma naming nasa langit, sambahin nawa ang iyong pangalan. Dumating nawa ang iyong kaharian. Masunod nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit."
βοΈ 5.Sino nga ba ang pangunahing binibigyang pansin ng Panginoon sa simula ng Kanyang panalangin? Batay dito, ano ang tamang paraan ng ating pakikipag-ugnayan sa Diyos sa ating panalangin?
π Basahin ang Mateo 6:11β13,Β
" Bigyan mo kami ng aming pagkain sa araw-araw; at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin. At huwag mo kaming hayaang matukso, kundi iligtas mo kami sa Masama! Sapagkat iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailanman! Amen."
βοΈ 6. Anu-ano ang mga bagay na maaaring mapansin sa bahaging ito ng panalanging itinuro ni Hesus? Ano ang mga aral na maaari nating matutuhan mula rito tungkol sa tamang paraan ng pakikipag-usap sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin?
Ang AAAC na acronym sa panalangin ay nagmula sa ibang bahagi ng panalangin ni Panginoong Hesus.
Address to God the Father ( Papuri at Pagsamba) -Β Pagkilala sa Diyos bilang Panginoon at Ama natin - Verse 9.
Ask Forgiveness/Confession ( Kumpisal) - Pagkilala sa mga pangangailangan natin sa kapatawaran mula sa Diyos at sa Kanyang biyaya upang linisin ang ating puso. Verse 12.
Ask Any thing (Paghiling) - pananalangin para sa ating mga pangsariling pangangailangan - Verse 11.
Close your prayer in Jesus'Name - Ito ay utos ni Hesus na gawin natin sa ating mga panalangin - Juan 14:13-14.
Maraming kahanga-hangang pangako ng Diyos sa Bibliya tungkol sa kung ano ang kayang gawin ng Diyos kapag lumalapit tayo sa Kanya sa panalangin.Β
ANG ATING TUGON!
π Maglaan ng oras sa isang araw para manalangin nang may layunin gamit ang AAAC. Sa iyong connect group, tanungin ang iba kung ano ang kanilang mga kahilingan na nais ipanalangin. Isulat ang mga ito sa iyong mga tala at ipanalangin ito sa itinakdang oras.
Salamat sa iyong buhay, ikaw ay isang disiplinadong Kristiyano!
-------
π STORY SERIES ASSIGNMENT
DJK: The Story Series #1
Ang iyong assignment ay pag-aralan ang DJK: The Story Series #1.
π Tap here to download
π Tap here to read online