Pakiramdam mo ba 'di ka mahalaga sa Diyos?
Pakiramdam mo ba 'di ka mahalaga sa Diyos?
Ice Breaker
Magbigay ng isang bagay na nakikita sa bahay at sabihin ano ang gamit ang bagay na iyon.
HALIMBAWA: Kutsilyo, ang purpose ng kutsilyo ay gamit sa kusina.
Ating Suriin
1. 👉 Magbigay ng opinion sa usaping ito - "Malimit ginagamit ng Panginoon ang mga "nobody"sa lipunan upang ipakita ang kakayahan ng Panginoon sa buhay nila"
2. 👉 JOHN 1:12
"Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos."
PSALM 143:10"Turuan nʼyo akong sundin ang inyong kalooban,
dahil kayo ang aking Dios. Patnubayan sana ako ng inyong butihing Espiritu sa landas na walang kapahamakan."
Tayo ay Kanyang mga Anak kaya marapat lang na tayo ay susunod sa Kanyang kagustuhan: Ano ang isang hakbang na gagawin mo upang magsimulang sundin ang Kanyang kalooban?
Bilang mga anak ng Diyos, ang pagsunod sa Kanyang kalooban ay hindi lamang isang tungkulin kundi tugon ng ating puso sa Kanyang biyaya. Tulad ng sinasabi sa John 1:12, binigyan tayo ng Diyos ng karapatang maging Kanyang mga anak. Kaya, hayaan nating gabayan tayo ng Kanyang Salita at ng Banal na Espiritu upang makilala at maisagawa ang Kanyang kalooban.
Hindi mahalaga kung sino tayo sa paningin ng mundo; mahalaga kung sino tayo sa paningin ng Diyos. Ang mahalaga ngayon ay ito: Ano ang isang konkretong hakbang na gagawin mo upang sundin ang Kanyang kalooban?