How to Lead a Connect Group
How to Lead a Connect Group
sa sa mga common questions ng bagong Connect Group Leader:
“Paano ko ba ito gagawin?”
Actually, simple lang ang sagot:
Balikan mo ang sarili mong experience bilang member ng Connect Group.
Ano ang ginawa sa iyo ng Connect Group Leader mo?
Paano ka niya:
tinanggap?
kinausap?
ipinanalangin?
tinuruan ng God's Word?
tinanong at pinakinggan?
in-encourage?
fina-follow up?
tinulungan na mag-apply ng God's Word?
inalagaan kahit outside the Connect Group?
Hindi mo kailangang gumawa ng bagong system.
Hindi mo kailangang maging perfect Bible teacher.
Hindi mo kailangang malaman ang lahat.
I-duplicate mo kung ano ang natutunan at naranasan mo.
Kung paano ka tinuruan, turuan mo rin ang iba.
Kung paano ka in-encourage, i-encourage mo rin ang iba.
Kung paano ka tinulungan na lumago, tulungan mo rin silang lumago.
Kung paano ka na-disciple, mag-disciple ka rin.
Someone discipled you.
Now you disciple someone else.
Then they disciple someone else.
Ganito lumalago ang discipleship.
Hindi mo kailangang maging pinakamagaling o pinakamaraming alam.
Ang kailangan mo ay willing kang mag-walk with people at tumulong sa kanilang next step toward Christ.
Your role is not to impress people with how much you know.
Your role is to help people grow in Christ.
Kaya bilang Connect Group Leader:
Hindi mo kailangang malaman ang lahat.
Kailangan mo lang maging faithful sa pag-share ng natutunan mo, sa pag-model ng buhay na sumusunod kay Cristo, at sa pagtulong sa iba na gawin din ito.
“The secret of leading a Connect Group is not creating something new. It is faithfully duplicating what you have learned from those who discipled you.”
Gumagawa tayo ng disciples na gagawa rin ng disciples.
That is the heart of the Great Commission.
Hindi lang tayo tinawag ni Jesus para sumunod sa Kanya. Tinawag din Niya tayo na gumawa ng disciples.
“Go therefore and make disciples of all nations… teaching them to observe all that I have commanded you.”
— Matthew 28:19–20
Ang Great Commission ay hindi lang para sa pastors, missionaries, o church leaders. Bilang followers ni Jesus, lahat tayo ay may bahagi sa disciple-making.
At dito nagiging mahalaga ang Connect Group.
Ito ay isang practical way para tumugon tayo sa utos ni Jesus na “make disciples.”
Sa Connect Group, may opportunity tayong:
Makipag-relationship sa mga tao.
Mag-aral at mag-discuss ng God's Word.
Manalangin para sa isa't isa.
Mag-encourage toward obedience to Christ.
Tumulong sa spiritual growth ng bawat isa.
At eventually, ihanda sila na gumawa rin ng disciples.
Disciple-making can start small—“Think big, start small, go deep.” Ginawa rin ito ni Jesus nang mag-invest Siya nang malalim sa Kanyang disciples. Ang goal ay hindi lang makapag-gather ng maraming tao, kundi makapag-develop ng disciples na kayang gumawa rin ng disciples.
The Connect Group is one of the HOWs.
Si Jesus ang nagbigay sa atin ng mission: Make disciples.
Ang Connect Group ay isang practical at relational way para maisagawa natin ang mission na iyon.
A Simple Guide for New Leaders
Welcome sa bago mong journey bilang Connect Group Leader! Siguro excited ka, kinakabahan, o halo-halo ang feelings — pero tandaan mo, hindi ka nag-iisa.
Sa Christ-Centered Ministries, ang bawat Connect Group ay bahagi ng ating mas malaking layunin:
“To honor God and make followers committed to Christ, who, in turn, will inspire others to follow Christ.”
Iyan ang dahilan kung bakit tayo naglilid — hindi lang para sa meeting, kundi para sa misyon.
Sinabi ni Jesus:
“Go and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit,
and teaching them to obey everything I have commanded you.”
— Matthew 28:19–20
Bilang leader, hindi mo kailangang maging expert — ang role mo ay mag-create ng safe space kung saan pwedeng magtanong, makinig, at matutong sumunod kay Jesus nang sama-sama.
Ang Connect Group ay hindi lang simpleng gathering — ito ay discipleship in action.
At dahil dito, narito ang isang simpleng gabay para simulan mo nang tama at manatiling effective sa bagong responsibilidad mo bilang leader.
Hindi kailangan magpanggap. Ang pagiging totoo mo ang isa sa pinaka-effective mong tools. Ikwento mo kung paano ka binabago ni Lord — ang tagumpay, kahinaan, at learning moments mo. Mas nag-oopen up ang members kapag nakikita nilang real ka.
Pro Tip: Sabihin mo sa grupo mo — “Sabay tayong lalago.”
Ang bawat session, kailangan ng guide. Bago kayo mag-meet, basahin mo muna ang material (One-Verse, DJK 1,2, o Sunday message notes). Mag-pray ka rin na si Lord muna ang kumausap sa’yo.
Pro Tip: Kahit 15–30 minutes lang na preparation, malaking tulong 'yan para maging smooth ang session.
Habang nasa session, makinig ka. Huwag agad i-correct ang mga sagot; hayaang mag-open up ang bawat isa. Hindi mo kailangan maging laging tama — ang kailangan lang ay pusong marunong makinig at magmahal.
Pro Tip: Eye contact, affirming words, at kahit simpleng tahimik na pakikinig — powerful na yan.
Prayer is the key. Bago pa mag-start ang session, ipag-pray mo na ang group mo. During the discussion, hayaan mo ang Holy Spirit na gumalaw. Pagkatapos ng meeting, ipanalangin mo uli sila.
Pro Tip: Laging itanong: “Paano kita ipagpe-pray this week?”
Ang Connect Group ay hindi lang chikahan, Q&A night, o counseling session. Ito ay para sa spiritual growth at obedience sa Word ni God. I-clarify ito sa simula pa lang, at basahin ang kasunduan na makikita sa DJK.
Pro Tip: Sabihin mo ito nang malinaw — “Ang goal natin ay lumalim sa relasyon natin kay Jesus.”
Busy ang lahat — pati ikaw. Pero ang consistency mo bilang leader ang magbubuo ng community. Kahit minsan konti lang ang dumating, tuloy lang. God honors faithfulness.
Pro Tip: Kahit isa lang ang dumating, ituloy mo pa rin. Baka may ginagawa si Lord sa puso ng taong 'yon.
Normal lang na kabahan, pero tandaan mo: kasama mo si Lord. Meron kang support mula sa church at sa leaders na nauna sa’yo. Huwag kang matakot humingi ng tulong.As you lead your Connect Group, tandaan mo: hindi lang meeting ang ginagawa mo —
ginagamit ka ng Panginoon upang may mabagong iba.
So, ready ka na. Simulan mo na. Magtiwala ka kay Lord.
Let’s raise a generation rooted in Christ — one Connect Group at a time.