TAMA O MALI?
1) AYON SA sinabi sa video ni Alessandra de Rossi, dahil sa dami ng ating mga kasalanan, wala nang makakapunta sa langit.
👉Tama o Mali?
ANSWER: MALI
a) Isaiah 43:25 – "Akong si Yahweh ang pumapawi sa iyong mga pagsuway, alang-alang sa akin, at hindi ko na aalalahanin ang iyong mga kasalanan." (Isaias 43:25, MBB)
b) Ephesians 2:8–9 - "8 Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y kaloob ng Diyos at hindi mula sa inyong sarili; 9 hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang maipagmamalaki ang sinuman."
c) 1 John 1:9 – "9 Subalit kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid."
Totoong na napakarami nating kasalanan. Sinasabi nga sa Romans 3:23 na lahat ay nagkasala at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos. Pero hindi ibig sabihin nito na wala na tayong pag-asang mapatawad at maligtas. Bakit? Dahil ang ating kaligtasan ay hindi nakadepende sa dami ng mabubuting bagay na nagawa natin, kundi sa biyaya ng Diyos at sa ginawa ni Jesu-Cristo sa krus.Ang mahalaga ay hindi kung gaano karami ang ating kasalanan, kundi kung sino ang ating Tagapagligtas!
2) AYON SA sinabi ni Empoy Marquez sa video, "Walang nakakaalam kung saan tayo pupunta pagkatapos nating mamatay."
👉 Tama o Mali?
ANSWER: MALI
a) 1 John 5:13 "Isinusulat ko ito sa inyo upang malaman ninyo na kayong sumasampalataya sa Anak ng Diyos ay may buhay na walang hanggan." ~ MBBTAG
b) Philippians 3: 20 "Subalit sa kabilang dako, tayo ay mga mamamayan ng langit. Mula roo'y hinihintay nating may pananabik ang Panginoong Jesu-Cristo, ang ating Tagapagligtas. " ~MBBTAG
3) Ayon sa video, hindi tayo karapat-dapat sa kaligtasan at kailangan natin ng isang Tagapagligtas.
👉 Tama o Mali?
ANSWER: TAMA
1) Titus 3:5–7 "5 iniligtas niya tayo, hindi dahil sa ating mabubuting gawa kundi dahil sa kanyang habag sa atin. Tayo'y iniligtas niya sa pamamagitan ng Espiritu Santo na naghugas sa atin upang tayo'y ipanganak na muli at magkaroon ng bagong buhay. 6 Masaganang ipinagkaloob ng Diyos sa atin ang Espiritu Santo sa pamamagitan ng ating Tagapagligtas na si Jesu-Cristo, 7 upang tayo'y gawing matuwid sa pamamagitan ng kanyang kagandahang-loob, at tayo'y maging tagapagmana ng inaasahan nating buhay na walang hanggan."
2) 2 Corinthians 5:21– "21 Hindi nagkasala si Cristo, ngunit alang-alang sa atin, siya'y itinuring na makasalanan upang sa pakikipag-isa natin sa kanya ay maging matuwid tayo sa harap ng Diyos."
Kung tayo ay naligtas dahil sa biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya, paano naman natin malalaman kung ang pananampalatayang ito ay tunay? ATING PAGUSAPAN.
🫰KUNG TINANGGAP KO NA SI JESUS, BAKIT KAILANGAN PANG MAGBAGO
ANG BUHAY KO?
a) Kung tinanggap ko na si Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas, ligtas na ba ako?
Sagot: OO!
Kung tunay kang sumampalataya kay Jesu-Cristo at inilagak mo sa Kanya ang iyong pagtitiwala para sa kaligtasan, mayroon kang buhay na walang hanggan.
Hindi mo kailangang gumawa ng mabubuting bagay upang makumpleto ang ginawa ni Jesus sa krus. (John 1:12, Ephesians 2:8–9, 1 John 5:11–13)
b) Kung ligtas na ako, bakit kailangan pang magbago ang buhay ko?
Sagot: Dahil kapag iniligtas tayo ni Cristo, nagsisimula na tayong mamuhay sa bagong paraan.
Hindi tayo nagbabago upang maligtas. Nagbabago tayo dahil iniligtas na tayo.
2 Corinthians 5:17: "Kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito'y napalitan na ng bago."
PAANO NATIN PALALAGUIN ANG ATING PANANAMPALATAYA?
Ngayong tinanggap na natin si Jesu-Cristo bilang Panginoon at Tagapagligtas, nagsimula na ang ating bagong relasyon sa Diyos. Ngunit tulad ng ibang relasyon, kailangan natin itong alagaan at palaguin.
Isipin ninyo ang relasyon ng isang anak sa kanyang ama. Hindi sapat na anak lamang siya sa pangalan. Kailangan niyang matutong magtiwala, makipag-usap, at magkaroon ng magandang ugnayan sa kanyang ama.
Ganoon din sa ating relasyon sa Diyos. Narito ang tatlong bagay na dapat nating isabuhay:
1. COMMITMENT – Maging tapat sa ating relasyon sa Diyos.
Tulad ng isang anak na nagpapahalaga sa kanyang relasyon sa kanyang ama, dapat din nating bigyang-halaga ang relasyon natin sa Diyos.
Makikita ito sa ating commitment na sumamba, mag-aral ng Salita ng Diyos, makipag-fellowship sa ibang mananampalataya, at magpatuloy sa pagsunod sa Kanya. (Hebrews 10:24–25)
2. TRUST – Matutong magtiwala sa ating Ama.
Tulad ng isang anak na natututong magtiwala sa kanyang ama, dapat din tayong matutong magtiwala sa Diyos.
Kahit hindi natin naiintindihan ang lahat ng nangyayari sa ating buhay, nagtitiwala tayo sa Kanyang kabutihan, karunungan, at mga pangako. (Proverbs 3:5–6)
3. COMMUNICATION – Panatilihin ang pakikipag-ugnayan sa Diyos.
Ang isang magandang relasyon ay hindi lumalago kung walang komunikasyon.
Bilang mga anak ng Diyos, nakikipag-usap tayo sa Kanya sa pamamagitan ng panalangin. Nakikinig naman tayo sa Kanyang Salita upang malaman ang Kanyang kalooban.
Huwag nating hayaang maging bihira ang ating pakikipag-usap sa ating Ama sa langit. (Philippians 4:6–7; Psalm 119:105)
Ang bagong buhay ay hindi nangangahulugang perpekto na tayo. Nangangahulugan itong mayroon na tayong bagong direksyon.
c) Kailangan ba nating makita ang ebidensiya ng kaligtasan sa buhay ng isang tao?
Sagot: OO, ngunit kailangang maunawaan natin kung bakit.
James 2:14–17. " 17 Gayundin naman, patay ang pananampalatayang walang kalakip na gawa."
Ano ang gustong ipaliwanag ni Santiago?
Ipinapakita ni Santiago na hindi sapat na sabihin lamang nating mayroon tayong pananampalataya. Ang tunay na pananampalataya ay dapat makita sa ating pamumuhay.
Halimbawa, kung sinasabi nating mahal natin ang Diyos, dapat makita rin ito sa ating kagustuhang makasama Siya, makinig sa Kanyang Salita, sumamba sa Kanya, at makipag-fellowship sa ating mga kapatid kay Cristo.
Kaya mahalagang bahagi ng buhay Kristiyano ang sama-samang pagsamba tuwing Linggo. Hindi ito dapat ituring na optional lamang o isang gawain na ginagawa kapag convenient sa atin.
Hebrews 10:24–25 reminds us not to neglect gathering together as believers, but to encourage one another.
Bakit mahalaga ang Sunday Corporate Worship?
Dahil mahal natin ang Diyos. Ang pagsamba ay pagkakataon nating parangalan at sambahin Siya bilang Panginoon ng ating buhay.
Dahil kailangan natin ang Salita ng Diyos. Sa sama-samang pagsamba, nakikinig tayo sa Kanyang Salita at natututo kung paano mamuhay ayon sa Kanyang kalooban.
Dahil kailangan natin ang isa't isa. Hindi tayo tinawag ng Diyos upang mamuhay nang nag-iisa. Kailangan natin ang encouragement, fellowship, at panalangin ng bawat isa.
Tandaan natin!
Hindi tayo dumadalo sa Sunday Worship upang maligtas. Dumadalo tayo dahil mahal natin ang Diyos, nais nating lumago sa Kanya, at kinikilala natin ang kahalagahan ng pakikisama sa katawan ni Cristo.
Ang tunay na pananampalataya ay hindi lamang nakikita sa ating sinasabi tungkol sa Diyos, kundi pati sa ating commitment na sambahin Siya at mamuhay kasama ang Kanyang mga anak.
ANG UGAT AT ANG BUNGA NG KALIGTASAN